Binago ng B.League ang Future ng Japanese Basketball

Talaan ng nilalaman

Ang B.League ay ang propesyonal na basketball league sa Japan na nagsimula noong September 2016. Ang B.League ay pinapatakbo ng Japan Professional Basketball League at National Basketball League na ginagabayan ng FIBA-Affiliated Japan Basketball Association, iniutos ito ng FIBA upang makabalik ang Japan matapos ang suspensyon noong 2014. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng 747LIVE para sa higit pang impormasyon.

Hindi kilala ang Japan bilang mahilig sa basketball, sa matagal na panahon ay konti lang ang may interes sa larong ito dahil mas nakatuon ang mga Japanese sa karate at kendo. Unti-unting lumalago ang basketball sa Japan at nagsimulang mag-develop ng mga batang manlalaro. May iba’t-ibang liga din ng basketball sa Japan katulad ng Nippon Professional Basketball League. Napupuno nito ang Tokyo Dome na may 50,000 na capacity

Maikling Kasaysayan ng B.League

Ang Japan Basketball Association ay itinatag noong 1930 at nag-operate ng mga liga sa Japan gamit ang iba’t-ibang pangalan simula 1967. Noong dekada 1990, umalis ang soccer sa Japan at inilunsad ang J.League noong 1993. Pinag-aralan ng JBA ang professional basketball sa Japan at noong 1997 inalis ang pagbabawal sa propesyonal na manlalaro. Nagsimula ang Japan Super League para sa mga amateur players at karamihan sa mga teams dito ay hawak ng private corporation.

Noong 2005, inilunsad ang BJ League kalaban ang Super League at muling bumalik ang Super League bilang Japan Basketball League noong 2007. Nag-rebrand ulit ang Japan Basketball League bilang National Basketball League noong 2013. Simula nung dumating ang BJ League noong 2005 parehong mabilis na lumawak ang teams na may 45 teams na sumali sa dalawang liga noong 2015. Hindi ito nagustuhan ng FIBA, ang international agency para sa basketball dahil nagwawatak watak at hindi organisado ang sports sa Japan. Dahil hindi sumunod ang JBA sa mga deadline, sinuspinde ng FIBA ang Japan sa mga international games noong November 2014. NoongMay 2015 nirecommend ng FIBA na si Kawabuchi ang maging president ng JBA. Nagsanib pwersa ang dalawang liga at tinawag itong B.league noong June 2015 at inalis na ng Fiba ang suspension noong August 2015.

Format ng B.League

Ang B.League ay mayroong dalawang division, ang B1 at B2. Ang 2022-2023 season ay mayroong 24 teams para sa B1 at 14 teams naman sa B2. Ang B1 ay nahahati sa dalawang conference, ang East at West. Ang B1 ay mayroong 60 games sa regular season, 36 games laban sa sariling conference at 24 games naman laban sa kabilang conference. Ang top 8 teams ang aabante sa playoffs, ang top3 teams bawat conference tapos ang natitirang dalawa ay manggagaling sa wildcard. Ang playoffs ay mayroong quarterfinals, semifinals at finals na may best-of-three format.

Sa B2 naman, ang regular season ay may 60 games din. 42 games laban sa sariling conference at 18 games naman laban sa kabilang conference. Ang qualification at format ng playoffs ay pareho lang sa B1. Ang top 3 teams bawat conference ang aabante at ang dalawa ay manggagaling sa wildcard. Ang quarterfinals, semifinals at finals ay best-of-three din. Ang B,League ay mayroong promosyon at degradasyon taun-taon para malaman kung sinong team sa B2 ang mapupunta sa B1 at sinong team naman ang babagsak sa B2.

Japan Pasok sa Paris Olympics

Nagbunga ang paghihirap at sakripisyo ng mga Japanese sa basketball. Sa nakaraang 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Japan, Pilipinas at Indonesisa, ang Japan ay nakakuha ng tatlong panalo na naging sapat upang maging Best Asian Team na maghahatid sa kanila diretso sa Paris Olympics at hindi na kailangang dumaan pa ng Olympic Qualifying Tournament. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang Japan sa Olympics sa loob ng 48 years. Noong 2020 Tokyo Olympics, ang Japan ay automatic ng pasok dahil sila ang host team.

Noong 2016, ang B.League ay ipinakilala at nag-improve ang laro ng mga Japanese sa basketball. Hindi din naging madali sa Japan dahil natalo sila ng limang sunod noong 2019 FIBA World Cup at ang lahat ng tatlong laro nila sa Tokyo Olympics. Kagrupo ng Japan sa Paris Olympics ang 2023 FIBA World Cup champion na Germany, ang host country na France at ang mananalo sa Olympic Qualifying Tournament sa pagitan ng Georgia, Pilipinas, Latvia, Brazil, Cameroon at Montenegro.

Ang Pag-usbong ng B.League

Ang ginawang reporma ng Japan ay nagdala sa kanila sa bagong panahon ng basketball. Ito ang nagbigay sa Japan upang makilala din sa mundo ng basketball. Hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan sa mga nagdaang taon lalo na noong nag-uumpisa pa lamang ang basketball sa Japan. Hindi sumuko ang Japan upang pagtibayin ang kanilang pangarap na makilala din sa larangan ng basketball. Masasabi nating dahil sa repormang ginawa nila at nabuo ang B.League ay mas nahasa ang mga Japanese sa basketball kaya naman nakuha nila ang diretsong ticket sa Olympics na hindi bilang host sa loob ng maraming taon.

Hindi lamang kilala ang B.League sa Japan ngunit nakikilala na din ito sa buong mundo dahil pwedeng maglaro ang mga import dito kabilang na ang mga Pilipino. Madaming Pilipino ang naglalaro bilang Asian import sa B.League kabilang na sila Keifer Ravena, Thirdy Ravena, Dwight Ramos at Kai Sotto nakabilang din sa Gilas Pilipinas na naglaro sa nagdaang 2023 FIBA World Cup. Ang B.League ay maaari ding gawing alternative basketball league ng mga manlalaro sa buong mundo.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, Lodi Lotto, 7BET at BetSo88. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ilan sa mga sikat na koponan sa B.League ay kasama ang Chiba Jets, Utsunomiya Brex, Ryukyu Golden Kings, at San-en NeoPhoenix.

Tulad ng maraming ibang liga sa buong mundo, naapektuhan din ang B.League ng COVID-19 pandemic. Ang ilang mga laro ay kinansela o naantala, at nagkaroon ng mga hakbang sa kalusugan at kaligtasan para sa mga manlalaro at kagawad ng liga.

Karagdagang artikulo tungkol sa sports

Other Posts

',a='';if(l){t=t.replace('data-lazy-','');t=t.replace('loading="lazy"','');t=t.replace(/